Tostadong empleyada ng Siete

sample-ad

Tostado na ang creative consultant ng GMA-7 na kumumpirmang flop ang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza nu’ng una pero medyo tumaas na rin ang rating nang ipasok sa istorya si Thea Tolentino.

ENTERTAINMENT - Alden at Maine (Supplied photo)

Alden at Maine (Supplied photo)

Ay, nag-royale rumble ang mga fans ng AlDub, pinupog-kinuyog nila si Suzette Doctolero, ang nagsabing flop ang serye, kaya kumbaga sa tinapay ay sa tostadong mamon na maiku-kumpara ngayon ang empleyado ng Siyete.

Hindi nga naman ‘yun maganda sa pandinig, lalong hindi masarap sa panlasa na mismong taga-GMA-7 pa ang kumumpirmang mababa ang rating ng serye nu’ng una, sino pa ang maniniwala sa pag-aangat ng mga fans nina Alden at Maine sa loveteam kung ganyan na mismong empleyado ng network ang nangdadaot sa kanilang mga idolo?

Nakakaawa ang creative consultant na si Suzette Doctolero sa iisang direksiyon ng pang-uupak sa kanya ng mga tagasuporta ng AlDub. Hindi lang basta hinihiling ng tropa na bigyan ng leksiyon ng network si Suzette, ipinatatanggal pa nila, dahil wala raw malasakit sa mga programa at artista ng kanilang istasyon ang creative consultant.

May katwiran naman ang grupo sa kanilang sigaw, hindi bale nang manggaling ang kumpirmasyon sa ibang tao o network, huwag lang sa mismong nagtatrabaho sa istasyong pinagpapalabasan ng serye ng phenomenal loveteam.

Ewan lang kung ang mga ganu’ng komento ng creative consultant ay may basbas ng mga tagapamuno ng network. Pero wala namang ehekutibong papayag na mismong tauhan pa nila ang manglalaglag sa kanilang programa na pinagsusunugan ng kilay ng buong produksiyon.

Ang pagpapakatotoo ay may pinipiling panahon at sitwasyon. Kung wala itong masasabing positibo tungkol sa serye ay mas magandang nagtikom na lang sana ito ng bibig dahil hindi magandang tingnan na ang mismong pinagmumulan ng biyayang ikinabubuhay nito ang malalagay sa alanganin.

Respetuhan lang naman ‘yan. Kung ayaw ni Suzette Doctolero sa AlDub ay walang kahit sinong makapamimilit sa kanya. Pero puwede nitong respetuhin ang bakurang nagbuo-nagbalangkas ng serye para kina Alden at Maine.

*****

Sinumpong na naman si Andi Eigenmann. Ginawa na naman niyang kakampi-sumbungan ang kanyang social media account sa sobrang galit niya kay Jake Ejercito.

ENTERTAINMENT - Andi (Supplied photo)

Andi (Supplied photo)

Kung anu-ano na namang negatibong komento ang ikinakambal niya sa ama ng kanyang anak na si Ellie, namumulaklak na naman sa galit ang kanyang dila, pati ang buong pamilya ni Jake ay idinadamay na rin ni Andi sa kanyang pagmamaktol.

Sana, kung talagang hindi na mapigil ni Andi ang kanyang emosyon, ay sumentro lang siya sa isang paksa. Kung galit na galit siya kay Jake na ang dahilan ay siya lang naman ang nakakaalam, sana’y hindi na niya idinadamay pa ang mismong pamilya nito, dahil silang dalawa lang naman ang may problema.

Silang dalawa ang pumili ng ganitong sitwasyon, wala namang nagtulak sa kanila para magmahalan at pagkatapos ay maghiwalay, kaya ano ang kinalaman ng pamilya Estrada sa kanyang galit?

Bakit niya tatawaging walang puso ang pamilya, bakit niya itinatanim sa kanyang utak na ginagamit ng pamilya ang kanilang kapangyarihan, ano ba ang masamang ginagawa sa kanya ng pamilya Estrada para ganituhin niya?

Kasalanan bang humingi ng tulong sa husgado si Jake para sa joint custody kay Ellie? Kung nakipag-usap siya nang maayos sa ama ng kanyang anak, kung una muna niyang inintindi ang kapakanan ni Ellie, hahantong ba sa ganito ang usapin?

Napakahusay niyang tumalak sa social media, ang galing-galing niyang maghabi ng script, bakit hindi niya komprontahin ang problema kaharap si Jake Ejercito?

Ganu’n ang matapang!

sample-ad

Facebook Comments

Website Comments

  1. this website

    Wow! This can be one particular of the most useful blogs We have ever arrive across on this subject. Actually Great. I am also an expert in this topic therefore I can understand your effort.

  2. #dc

    Remarkable issues here. I am very glad to peer your post. Thank you a lot and I am looking forward to touch you. Will you kindly drop me a mail?

  3. cheap e-juice

    We stumbled over here from a different site and thought I should check things out. I such as what My partner and i see so i am just following anyone. Look forwards to looking at your site repeatedly.

  4. Smok

    Wow, wonderful weblog structure! How lengthy have you ever been running a blog for? you made blogging glance easy. The whole look of your site is fantastic, let alone the content!

  5. vegan diet

    Right now it appears like Drupal could be the preferred blogging platform available at this time. (from what I ave read) Is the fact that what you are making use of on your weblog?

  6. for more info

    Normally I do not read article on blogs, but I would like to say that this write-up very compelled me to check out and do it! Your writing style has been surprised me. Thanks, very nice article.

  7. orn video

    whoah this blog is magnificent i like reading your posts. Keep up the great work! You already know, a lot of persons are searching around for this info, you could aid them greatly. |

  8. m88

    Very nice post. I just stumbled upon your weblog and wished to say that I ave truly enjoyed browsing your blog posts. After all I will be subscribing to your feed and I hope you write again very soon!

  9. agen casino

    I?аАТ’аЂа†ll right away grasp your rss as I can not in finding your e-mail subscription hyperlink or newsletter service. Do you ave any? Please allow me recognize in order that I could subscribe. Thanks.

  10. judi online

    Thanks for any other fantastic post. Where else may just anybody get that type of info in such a perfect method of writing? I have a presentation next week, and I am at the look for such information.

  11. aptoide

    This is really interesting, You are a very skilled blogger. I ave joined your feed and look forward to seeking more of your magnificent post. Also, I have shared your website in my social networks!

  12. Worcester SEO

    Im no pro, but I suppose you just made the best point. You certainly fully understand what youre talking about, and I can seriously get behind that. Thanks for being so upfront and so sincere.

  13. lucy ann

    Dk46QG This particular blog is no doubt educating additionally amusing. I have chosen a lot of handy advices out of this blog. I ad love to go back every once in a while. Cheers!

  14. Elton Macki

    This is the perfect blog for anyone who really wants to find out about this topic. You understand a whole lot its almost hard to argue with you (not that I personally would want laugh out loud). You certainly put a brand new spin on a topic that has been discussed for decades. Excellent stuff, just excellent!

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.