Successful Sanfo tour

sample-ad
ENTERTAINMENT - Enrique at Liza (Instagram account)

Enrique at Liza (Instagram account)

Successful ang ilang araw na US tour ng Star Magic talents before and during the Lenten Season (sa Pilipinas, pero sa USA kasi ay hindi ito ino-observe).

From their Sanfo leg, dinayo nila ang San Jose, California sa The Great America Park. Punumpuno ang naturang venue at enjoy na enjoy ang mega kababayan nation sa Bay Area and its neighboring places.

Although we failed to see and talk to most of the artists like papa Piolo Pascual, Sam Milby and the rest, we managed to see Liza Soberano and Enrique Gil who gave in to our request to accommodate our friend’s two daughters who are their big fans.

Kahit pagod na pagod na talaga ang mga hitsura nila at nagpapahinga na sila, sinikap nilang i-meet kami sa isang area ng hotel kung saan sila naka-billet and met our friends happily. “Uy Kuya,” sey agad ni Quen nang makita kami. Maghapon nga raw silang nagpasaya sa mga kababayan natin after nilang manggaling sa Sanfo. Game na game namang nag-pose at nakipag-besohan si Liza na super ganda pa rin kahit halatang pagod na rin ito.

Ang ibang mag artists na kasama sa naturang tour ay sina Rayver Cruz, Kim Chiu at Xian Lim, Jodie Sta. Maria at ang kaibigan naming kenkoy-host na si Eric Nicolas.

*****

ENTERTAINMENT - Kris (Instagram account)

Kris (Instagram account)

Well, ano pa nga ang masasabi namin kundi good luck sa kumakalat na pralala ni Kris Aquino na meron nga siyang Hollywood project na gagawin soon.

Bago pa man mag-Easter ay pinag-usapan na ang pagiging best PR ni Kris ng sarili niya. According to her social media post, kinarir pala nila ng mga kaibigang Cong. Len Alonte at agent kuno-kuno ang naturang project and in 72 hours nga ay nakapag-produce sila ng audition tape na ni-require.

Hmm…sige na nga. Pagbigyan na natin si Kris. Tutal naman ay inamin niya mismo na for the past year ay naramdaman niyang matawag na “has been” o laos.

Baka nga naman pag-usapan siya uli at masabi niyang never siyang “has been” kapag natuloy ito di ba?

*****

ENTERTAINMENT - Nadine at James (Instagram account)

Nadine at James (Instagram account)

Samantala, inireport naman ng Star Cinema na naka-33 million [pesos] gross ang opening day ng “Can’t Help Falling in Love” movie ng KATHNIEL, o nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Marami ang nagrereport sa amin na maganda ang movie at bago ang inihandog ng Kathniel pero siyempre hindi ito kering tanggapin ng ilang tandems’ supporters.

Balita namin, nagtatanong daw ang Lizquen kung totoo ba ang figure na inilabas gayung matagal na umano silang naghihintay na maglabas ng official statement ang film outfit sa totoong total gross ng Lizquen movie which was reported na biggest moneymaker ng Lizquen so far with its more than half a billion gross.

Kalurkey lang talaga ang mga fans na sobrang ayaw magpatalo sa isa’t-isa o sa successes ng kanilang sinusuportahan. May mga warning pa ang iba na huwag daw sanang very soon ay mag-announce naman ang Star Cinema na biggest film to date ng Kathniel ang currently showing movie na pinag-uusapan?

Hala…

*****

Meanwhile, in na in pa rin ang “Coldplay Fever”.

After ng successful show nito sa Singapore and Philippines kung saan dinagsa talaga ito ng mga patrons from top celebrities to politicians to simple folks, sa Korea na saan ito pinag-usapan ng todo.

Ang tandem na Jadine, James Reid at Nadine Lustre ang namuno sa mga sikat na celebrities na dumayo pa sa Korea to watch the concert. Namataan din dun sina Sam Concepcion at gf nitong anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Mukhang naka-move on na sa kanilang US concert controversy ang Jadine dahil sa mga latest social media posts nila ay hinayaan na nilang ang Viva Artists management na nila ang sumagot sa mga isyu.

Wala pa ring konkretong plano kung alin ang mauunang gawin ng Jadine. 

****

Nalulungkot naman kami sa balitang gagawin na lang 30 minutes ang programang “MISMO” sa DZMM teleradyo.

Bago kami tumulak patungong USA last April 11, ay nabalitaan nga naming magsisimula na ngayong April 17 sa timeslot na 10pm ang “Bandila” sa DZMM kaya’t masasagasaan nito ang time ng “MISMO”.

Yun ang programang noon pa rin namin inuupuan mula kina Ms M at Ogie Diaz, kina Nanay Cristy hanggang kina Papa Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz nga.

Bahagi pa rin daw ng pagpapalakas ng mga programa sa DZMM ang ginagawa nilang pagsalang ng mga “award-winning” shows mula sa ABS-CBN para raw mas makuha nila ang audience mula sa teleradyo.

Marami pa ring ibang mga programang naapektuhan kabilang na rin ang paborito naming “Dr. Love” radio show sa hapon plus marami pang iba pa sa gabi.

Nakakalungkot man, pero ganun talaga ang sistema. Basta kami, sa weekend show naming “CHISMAX” steady lang ang mga showbiz news and entertainment. Ambetable kung ambetable talaga… hahahahaha!

See you all.

sample-ad

Facebook Comments

Website Comments

  1. Lenny Courtway

    Right here is the perfect blog for everyone who really wants to find out about this topic. You understand so much its almost hard to argue with you (not that I actually would want laugh out loud). You certainly put a fresh spin on a subject that’s been written about for ages. Excellent stuff, just excellent!

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.