Star Magic Ball, most glamorous and star-studded gathering of stars

Ambush ChismaxENTERTAINMENT
178
0

Tunay namang pinag-usapan ang katatapos lamang na Star Magic Ball. Ito na nga ang kinukunsidera ngayong “most glamorous and star-studded gathering of stars” sa showbiz.

Wala man dito ang mga Superstar, Star for All Seasons, Diamond Star, Megastar at mga Kings of Movies, hindi maitatangging pinag-usapan ito ng lahat, lalo na ang usaping “fashion.”

Rampa kung rampa talaga ang mga pinaka-ga-guwapo’t magaganda sa showbiz na suot-suot ang mga disenyo o likhang damit ng mga kilalang designers at mga magagaling sa hair and make-up, here and abroad.

Anupa’t ginagawa ngang bibliya ng mga nagnanais makausot ng magagarang gowns at style ang Star Magic Ball.

 

Among the best dressed na talagang pinag-usapan that evening ay sina Pia Wurtzbach na nambulaga nga sa maikling niyang buhok, her first after she became Miss Universe 2015.

Winner din ang mga kasuutan nina Julia Barretto at nang partner kong si Gretchen Fullido na napaka-seksi, sina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Bea Alonzo, Maja Salvador, Coleen Garcia, Liza Soberano, Maymay Entrata, ang kapuso actress na si Heart Evangelista, at Jodi Sta. Maria, na silang bumuo ng magic 12 sa listahan ko sa survey na ginawa that night.

Sa mga lalaki ay nangabog ang kaguwapuhan nina Piolo Pascual, Daniel Padilla, Enrique Gil, Diego Loyzaga, Daniel Matsunaga, Jericho Rosales at Xian Lim.

Mahigit 600 na mga artista at bisita ang dumalo sa event na siyempre pa ay dinaluhan din ng mga big bosses ng ABS-CBN. 

Naghandog ng sorpresang tribute kina Mr. Johnny Manahan at Ms. Malu Santos dahil natapat ding ika-25 taon na ng Star Magic.

 

“Wala akong pinatatamaan noh,” deklarasyon at pag-klaro ni Carmina Villaroel nang mapag-usapan ang activity nila sa social media ng kanyang pamilya, lalo pa’t madalas na “package deal” ang pagiging celebrity endrosers nila.

Hindi raw kasi ugali ni Mina na kaladkarin sa publiko ang sa tingin niya’y isyung pampamilya o pang-may-asawa hindi gaya ng ibang celebrities.

“Ano naman ang pakialam ng mundo sa problema naming mag-asawa o pamilya?,” sey pa ng asawa ni Zoren nang humarap sila sa media nung i-launch nga sila bilang mga endorsers ng CitiDrug.

Ito ang pinaka-bagong kumpanya na nagtiwala sa kanila bilang Pamilyang Pilipino na nagtataglay ng pagkakaisa, pagmamahalan at pagtitiwala sa mga gawain nila.

Ayon mismo kay William Scheirman, top executive ng 2-in-1 drug store, “The Legaspis fit our core values. They exemplify unity and being caring and nurturing at the same. Saka nung makausap namin sina Zoren at Carmina, sila mismo ang nagsabi na hindi sila nag-eendorse ng produkto o serbisyo na hindi nila ginagamit o pinaniniwalaan.”

Kakaiba ang set-up ng CitiDrug dahil bukod sa mga generics at branded na mga gamot, meron din ang botika nila ng convenient store, ng telco loading station at mga bills payment section. Kumbaga, hindi ka na lalayo pa.

Kaya naman proud na proud si Carmina na finally ay matutupad na ang isa sa mga dreams niyang magkaroon ng pharmacy o drug store dahil aniya, “ako talaga yung very hands on sa kalusugan ng family namin, Ako yung pumupunta sa mga drug stores at bumibili ng mga gamot. And yes, pangarap ko talagang ako yung nagbabasa ng reseta at nag-aabot ng gamot,” hirit pa nito.

Facebook Comments

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.