Siya pa rin ang Megastar

sample-ad
ENTERTAINMENT - Sharon (Supplied photo)

Sharon (Supplied photo)

Mismong mga make-up artist ng ABS-CBN ang nagkukuwento sa amin kung gaano kalaking timbang na ang nawawala kay Sharon Cuneta. Saludo ang mga kausap namin sa matindi niyang disiplina.

Hindi na madalas na natatapilok at nawawalan ng balanse ngayon ang Megastar, hindi na rin siya nakikitang gumagamit ng wheelchair, konting panahon pa at maaabot na ni Sharon ang pinapangarap niyang timbang.

‘Yun naman talaga ang disiplinang pinaiiral ng singer-actress nu’ng si KC pa lang ang kanyang anak. Magkakalaman siya ngayon, pero kapag sinabi niyang sa ganitong buwan ay babalik na agad ang dati niyang timbang ay nagagawa niya ‘yun, nagtatagumpay siya.

Dusa talaga, aminado naman si Sharon na matinding sakripisyo ang kanyang pinagdadaanan para lang siya lumiit, pero nasa tao talaga ang ikatutupad ng kahit anong hiling.

Naalala tuloy namin ang isang female personality na nu’ng lumusog ay kinailangang magparasyon ng pagkain sa isang sikat na dietician. Natural, hindi na nito makain ang mga putaheng kinasanayan nito, kaya sobrang umiinit ang kanyang ulo.

Kuwento ng aming kausap, “Idamay ba pati ang kanyang mga kasambahay? Kapag naaamoy niya ang iniluluto ng cook nila, eh, nagsisisigaw siya, inis na inis ang girl, kasi nga, parang naglalaway siya!

“Paano, ang paulit-ulit lang niyang kinakain, eh, puro mga damo, mga dahun-dahon, kapirasong keso, kapiranggot na manok. Naiinggit siya sa mga kasambahay niya, kaya kailangan, kung kailan wala siya sa bahay at nagtatrabaho, eh, saka lang magluluto ang mga maids niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming kausap.

Napapanood namin ngayon ang noodles commercial ni Mega, ang liit-liit na ng kanyang mukha, nakikita na ang cheekbones niya na senyal nang kanyang pagpayat.

At hindi man siya magtagumpay na maabot ang pinapangarap niyang timbang ay walang problema. Siya pa rin ang Megastar, siya pa rin si Sharon Cuneta, hindi matatawaran ang bigat ng mga napatunayan na niya sa industriya bilang singer-actress-TV host.

Isandaang porsiyentong siguradong sang-ayon sa amin ang mga diehard Sharonians na kabisado ang buhay at karera ng Megastar, pramis!

-o0o-

ENTERTAINMENT - Erwin at Jim (Supplied photo)

Erwin at Jim (Supplied photo)

May panawagan ang singer-composer na si Jim Paredes na ipasuspinde rin ang matapang na news anchor na si Erwin Tulfo sa kanyang programang “Punto Asintado”, napapakinggan ang programa tuwing umaga sa Radyo Singko.

Ang kuda ng singer ay pinagbantaan daw kasi siya ni Erwin Tulfo, sinabi raw ng palabang broadcaster na mag-ingat siya, dahil baka isang araw ay bigla na lang siyang masagasaan, mabugbog at masaksak.

Sa palagay nami’y hindi napakinggan mismo ni Jim Paredes ang episode kung saan tinalakay ni Erwin Tulfo ang ginawa niyang pambabastos sa isang grupong dumalo sa EDSA Revolution anniversary.

Pinagpistahan sa social media kung ano ang kanyang ginawa, dinuru-duro niya ang mga kalalakihang maka-Pangulong Rodrigo Duterte, maraming nagalit kay Jim nang dahil du’n.

‘Yun mismo ang buod ng kuwento, tinalakay ni Erwin ang pangyayari, sinabi nito na huwag masyadong kampante si Jim Paredes dahil baka isang araw ay may mangyari sa kanya na siguradong hindi niya magugustuhan.

Kung tutuusin ay pabor pa nga kay Jim ang mga pinakawalang salita ng broadcaster, may malasakit pa nga ito sa kanya, kaya ano itong kampanya niya at panawagan na ipasuspinde rin si Erwin Tulfo nang dahil sa pagbabanta sa kanya?

Ang totoo ay magkaiba ang kanilang kulay-pulitika. Kung solidong Dilawan si Jim Paredes ay maka-Duterte naman si Erwin Tulfo.

May kani-kanya silang paninindigan at paniniwala, manindigan siya, hindi ‘yung ganyan na nagsusumbong siya sa publiko para sa pagpapasuspinde kay Erwin Tulfo!

Iyakin?

sample-ad

Facebook Comments

Website Comments

  1. Maluma

    It’а†s really a cool and useful piece of information. I’а†m happy that you shared this helpful information with us. Please stay us up to date like this. Thanks for sharing.

  2. #stregisDC

    I think other web-site proprietors should take this website as an model, very clean and excellent user genial style and design, let alone the content. You are an expert in this topic!

  3. maxim finest

    Your information is very digestible. I enjoy your style of writing. Your points are clear and reasonable and I agree with a lot of your ideas. You have a lot of interesting views. Thank you.

  4. xo so

    I’а†ve read several exceptional stuff here. Undoubtedly worth bookmarking for revisiting. I surprise how a lot attempt you set to make this kind of wonderful informative web site.

  5. 1Z0-071

    Terrific work! This is the type of information that are supposed to be shared across the web. Disgrace on Google for not positioning this post higher! Come on over and visit my web site. Thanks =)

  6. ruou vang y

    So happy to have located this submit.. Is not it wonderful any time you come across a fantastic submit? Enjoying the post.. appreciate it Fantastic thoughts you ave got here..

  7. judi online

    This is really interesting, You are a very skilled blogger. I ave joined your feed and look forward to seeking more of your wonderful post. Also, I have shared your site in my social networks!

  8. Domainer

    This very blog is definitely cool and besides factual. I have picked many interesting things out of this source. I ad love to visit it every once in a while. Thanks a lot!

  9. Steve Ferguson

    I think other website proprietors should take this website as an model, very clean and excellent user friendly style and design, let alone the content. You are an expert in this topic!

  10. دانلود

    Wow! This could be one particular of the most beneficial blogs We have ever arrive across on this subject. Basically Excellent. I am also an expert in this topic so I can understand your effort.

  11. Sunny Keeran

    You are so interesting! I do not believe I’ve read anything like that before. So nice to discover someone with a few genuine thoughts on this issue. Really.. thanks for starting this up. This website is something that is required on the web, someone with a little originality!

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.