Sino si Roland Ochoa Anog?

sample-ad
ENTERTAINMENT - Roland (Instagram account)

Roland (Instagram account)

Naging instant celebrity si Roland Ochoa Anog dahil naka-tag siya sa picture ng identical rings na naka-post sa Instagram account ni Paolo Ballesteros noong Black Saturday.

The who si Roland? Siya ang natsitsismis na current inspiration ni Paolo pero walang kumpirmasyon o denial mula sa TV host/comedian.

Kung hindi naka-tag si Roland, hindi sana magmamalisya ang followers ni Paolo na malihim sa love life niya.

Puwede rin na gusto nang ipagsigawan ni Paolo sa buong mundo ang special friendship nila ni Roland sa subtle na paraan.

Maliban sa pagiging dancer at choreographer, walang impormasyon na alam tungkol kay Roland ang madlang-bayan.

Pero mag-expect tayo na marami na ang lalantad at magkukuwento tungkol sa background ni Roland dahil sa ginawa ni Paolo. Sa ayaw at sa gusto ni Roland, magiging magulo na ang kanyang dating tahimik na mundo dahil pilit na inili-link siya kay Paolo.

Star na talaga si Paolo dahil interesado na sa love life niya ang publiko na dating dedma sa mga ganap sa kanyang personal na buhay.

******

Going strong ang relasyon ng showbiz couple, kahit hindi natuloy ang plano nila na pagpapakasal.

Nausog man ang kanilang church wedding, walang nagbago sa pagmamahalan ng aktres at ng kanyang boyfriend na minsan nang sinubukan ang showbiz pero mas nag-concentrate sa public service.

May inaayos lang na problema ang dalawa at kapag nalutas na ito, itutuloy nila ang balak na pagpapakasal sa simbahan dahil ang isa’t isa ang kanilang gusto na makapiling forever and ever.

******

ENTERTAINMENT - Jericho at Bela

Jericho at Bela

Magkasunod na linggo pala ang playdate ng mga pelikula ng Viva Films at Regal Entertainment, Inc.

Sa May 3 ang showing sa mga sinehan ng “Luck at First Sight” ng Viva Films at sa May 10 naman ang playdate ng “Our Mighty Yaya” ng Regal.

Mabuti na lang, hindi magkasabay ang showing ng mga nasabing pelikula dahil hindi okey na iilan na nga lang ang producer ng Tagalog movies, magkakasakitan pa sa box office.

Starring sa “Luck at First Sight” sina Bela Padilla at Jericho Rosales.

Pangarap na natupad ang pagtatambal ng dalawa dahil isa si Jericho sa mga aktor na hinahangaan ni Bela na maraming beses na pinanood at iniyakan ang “#WalangForever”, ang pelikula nina Jericho at Jennylyn Mercado noong 2015.

Si Dan Villegas ang direktor ng “#WalangForever” at siya rin ang direktor ng “Luck at First Sight”. Masuwerte sa box office ang mga pelikula ni Dan kaya confident ang movie observers na tatangkilikin din ng publiko ang Bela-Jericho movie.

******

ENTERTAINMENT - Gloria (www.gmanetwork.com)

Gloria (www.gmanetwork.com)

Parang mga kuwento ni Lola Basyang ang plot ng “Daig Kayo ng Lola Ko”, ang bagong Sunday program ng GMA-7.

Magsisimula ang “Daig Kayo ng Lola Ko” sa April 30 at lead actress ng show ang respected veteran actress na si Gloria Romero.

Obvious naman na sa title pa lang, si Mama Glo na ang bida at co-stars niya sina Jillian Ward, David Remo, Chlaui Malayao, at Julius Miguel.

Pambata ang “Daig Kayo ng Lola Ko” pero inaabangan din ito ng mga matatanda dahil kapupulutan ng aral ang bawat kuwento ni Lola Goreng na ginagampanan ni Mama Glo.

Sa pagkakaalam ko, si Marian Rivera ang special guest sa pilot episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko”.

******

Si Kris Aquino siya kaya siya na rin ang nagbalita tungkol sa isang Hollywood project na gagawin niya na makatulong sana para muling sumigla ang takbo ng kanyang showbiz career.

“For a year, I experienced rejections. A part of my spirit broke. There were 2 shows I lost because hiring an Aquino for TV was a political risk not worth taking…

“But something happened March 23, 2017- a Tony & Grammy award winning Broadway producer, Jhett Tolentino contacted me through Cong. Len Alonte and Manang Nene Chan.

“He was helping a Filipino-Chinese-American agent friend of his reach me to ask if I’d want to audition for a big Hollywood studio movie about to start filming. The pressure was I had to submit my reel in 72 hrs. I felt I had nothing to lose, so we went for it. 48 hrs after Jhett’s call, on March 25 we mounted an audition shoot in Manila Peninsula.

“We shot, they immediately edited & color graded, both my audition scenes & video BIO. Sunday we sent the high definition material. And we waited. And PRAYED.

“Tonight I fly to Los Angeles to meet Chris Lee, my agent to sign my contract. I passed 5 levels of intense scrutiny and was offered a role. It is surreal to be reading the script from a major Hollywood studio watermarked on every page with my name. I signed a non disclosure agreement so until they reveal my participation I can’t share any details about the movie & my role.

“But today Easter Sunday- I wanted you to know my story… I pray it gives you encouragement & hope. I am proof that in life doors will shut & there will be heartbreaking setbacks but FAITH in God’s plan will open new, unexpected doors.

“We just need to trust in His Love, Provision, Restoration & Perfect Timing. Grace is unmerited; it’s God’s Gift we humbly receive with a heart overflowing with Gratitude. To my siblings & sons- I share this blessing w/ you. THANK YOU for being my strength.”

*****

Sa mga nagsasabi na trying hard singer si Renan Morales, mapapanood sa YouTube ang video ng pagkanta niya ng kanyang jingle nang kumandidato siya na konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija noong May 2016.

The who si Renan? Siya ang anak ng businesswoman at television special producer na si Rhodora Morales aka Mama Doray.

Si Renan ang inakusahan ni Kris Aquino na user dahil may plano raw ang anak ni Mama Doray na kumandidato bilang bise-gobernador ng Nueva Ecija sa 2019.

Si Renan ang sumulat at kumanta ng theme song ng “Trip Ni Kris”.

Para sa mga nagdududa sa singing talent ni Renan, watch n’yo na lang sa YouTube ang pagkanta niya ng kanyang jingle dahil to see is to believe.

sample-ad

Facebook Comments

Website Comments

  1. Chi Fijal

    This is the perfect web site for anyone who really wants to understand this topic. You understand a whole lot its almost hard to argue with you (not that I personally will need laugh out loud). You definitely put a brand new spin on a subject that has been written about for many years. Excellent stuff, just great!

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.