Ratings ng Super Ma’am, bumobongga

Ako PaENTERTAINMENT
193
0

Nagpa-burger” si Marian Rivera sa co-stars niya at sa staff ng Super Ma’am dahil sa bumobongga na ratings ng telefantasya nila sa GMA 7.

Lalong ginanahan ang stars and crew ng Super Ma’am na magtrabaho at pagandahin ang primetime teleserye nila dahil sa mainit na pagtanggap ng tele¬viewers.

Pambata kasi ang kuwento ng Super Ma’am at nakaka-relate sa mga eksena nito ang mga teacher at mga estudyante.

Sulit na sulit ang mga paghihirap at pagod ni Marian sa Super Ma’am dahil sobrang appreciated ng televiewers ang programa niya sa GMA 7.

-o0o-

News ang pagdalo ng Kapuso stars sa Star Magic Ball noong Sabado dahil isa itong bihirang pagkakataon na nakikita sila sa mga event ng ABS-CBN.

Sina Heart Evangelista, Megan Young, at Janine Gutierrez ang mga Kapuso star na umapir sa Star Magic Ball na naging kontrobersyal dahil sa mga emote ni Sharon Cuneta.

Ex-talents ng Star Magic sina Heart at Megan kaya invited sila sa silver anniversary ball. Isinama naman ni Rayver Cruz si Janine kaya lumakas ang mga speculation tungkol sa kanilang namumuong relasyon.

May mga nang-iintriga na imposibleng hindi nakita si Janine ng kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona na kasama si Janella Salvador. Si Janella ang ipinalit ni Elmo kay Janine.

Always invited sa Star Magic Ball ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Napanood sa GMA 7 ang mga show nina Oyo at Kristine kaya considered sila na mga artista ng Kapuso Network.

Escort ni Megan ang kanyang boyfriend na si Mikael Daez na isang certified Kapuso actor. May mga tsismis na live in partners na ang dalawa pero hindi ito news dahil nasa legal age na sila na magdesisyon para sa kanilang mga sarili at personal na buhay.

-o0o-

Invited si Mother Lily Monteverde sa Star Magic Ball at dumalo siya.

Nag-enjoy nang husto si Mother na aminado na fan pa rin at starstruck sa mga aktor na hinahangaan niya like Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Ang pagiging fan ni Mother ang reason kaya nag-produce siya ng mga pelikula at naging institusyon sa local movie industry. Walang edad na pinipili ang pagiging fan. Isipin n’yo na lang ang scenario kung gaya ko, maging addict si Mother sa mga Korean actor at Koreanovelas.

-o0o-

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Papa Joe Taruc  na pumanaw noong Sabado, September 30. Respetado at hindi matatawaran ang credibility ni Papa Joe bilang broadcast journalist kaya malaking kawalan sa radio industry ang pagkawala niya.

Si Papa Joe ang nagbigay sa akin ng break sa radyo kaya naging part ako ng DWST at eventually, ng DZRH.

Ewan ko ba, tawang-tawa si Papa Joe sa mga kagagahan ko, kahit hindi nakakatawa.

Malaking karangalan na nakatrabaho ko si Papa Joe na idol ko at palaging pinakikinggan sa radyo noong hindi pa niya ako inaalok na maging reporter ng DWST at DZRH.

Surreal na surreal ang pakiramdam ko dahil hindi ko inisip na darating ang araw na makakatrabaho ko ang isa sa mga iniidolo ko sa broadcast industry.

Sure ako na hindi ako nag-iisa na makaka-miss kay Papa Joe at sa golden voice niya sa radyo. Mami-miss din siya ng mga sikat na personality sa pulitika na naging kaibigan niya at humihingi sa kanya ng mga payo.

-o0o-

Gentleman talaga si Martin Nievera. Very nice ang ginawa niya na nag-offer siya kay Sharon Cuneta na ito ang maging muse niya sa Star Magic Ball.

Invited si Martin sa Star Magic Ball at nang mabasa niya ang mga emote ni Sharon na hindi ito imbitado, nagkusa siya na isama ang Megastar.

Na-appreciate ni Sharon ang kind gesture ni Martin pero hindi niya tinanggap dahil quite insulted na nga siya sa last minute invite ng Star Magic.

Tapos at luma na ang isyu dahil tinuldukan na ito ni Sharon. Sad lang na nakaranas siya ng mga pang-aalipusta mula sa madlang-bayan na hindi maka-relate sa kanyang nararam¬daman dahil hindi naman sila ang Megastar at never nila na mararanasan na maging Megastar.

Facebook Comments

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.