May ‘oo’ na para kay Jolo

sample-ad

Masaya tayo para sa kaibigan-kumpare nating si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla.

ENTERTAINMENT - Vice Governor Jolo Revilla (Facebook page)

Vice Governor Jolo Revilla (Facebook page)

Bukod kasi sa magkakaroon na ito ng oras para sa kanyang showbiz career, nakuha na niya ang “oo” ng kanyang constituents na pumayag nang gawin niya ang ‘Ang Probinsyano’ teleserye.

“Noon pa nila ako pinasabihan na may role daw for me. Hindi lang ako naka-oo agad dahil nga mas kailangan ako sa mga nasimulan kong gawain sa Cavite. Pero ngayong medyo maluwag-luwag na, at pumayag pa ang mga supporters natin na gawin ko (Ang Probinsyano), siyempre tatanggi pa ba ako,” bahagi ng pasasalamat ni Jolo.

Ang isa pa nga daw pinaka-dahilan kung bakit nais ni Jolo na doblehin o triplehin ang kanyang sipag at paglilingkod ay dahil sa mas maganda niyang “lovelife” ngayon with Jodie Sta. Maria.

Ilang beses na din namang napabalita ang kanilang “on and off” relationship, pero sa very recent social media news and posts ng dalawa, it looks like that theirs is going to somewhere better.

 

******

Bago pa man lumabas sa balita, alam na naming pinayagan ng grupo ni Liza Soberano, mga trainors niya at ng management si Enrique Gil na sumabay sa training ng batang aktres for ‘Darna’.

ENTERTAINMENT - Liza (Instagram account)

Liza (Instagram account)

As per our source, nagsimula lang daw yun sa kantiyaw ng binata na curious siyang makita ang transformation ng “gf” from being so very lady-like to a superhero warrior.

Kaya nang makita daw nitong sobrang focused and dedicated si Liza mula sa diet hanggang sa mga work-out nito, nag-decide itong humingi ng permiso kung puwede siyang sumabay sa aktres.

Halos everyday nila itong ginagawa at balitang si Quen pa minsan ang nagsisilbing “PA” ni Liza sa ilang personal needs nito. “Ganun siya ka supportive,” sey pa ng kausap namin.

Pero may ilang mga nagsasabi na preparations na din ito ng aktor sa napapabalitang “Captain Barbel” role na likhang obra din ni Mars Ravelo gaya ng ‘Darna’.

For all we know daw ay bahagi pala ito ng mga bonggang projects soon na sila din ang magkakasama gaya ng mga napapanood natin sa mga Marvel o DC based-movies ng Hollywood.

Whatever, basta super saya ang marami dahil this means na never na mabubuwag o maghihiwalay ang LizQuen.

 

*****

Still on Quen, kaaliw yung tila pakiusap nitong i-tone down ng kaunti ang napapabalitang pag-stick sa original Darna costume na halos naka-two-piece.

“That is how ‘Darna’ was, pero sana magawan ng paraan yung pagiging sobrang revealing o sexy,” or words to that effect na komento ng aktor sa posibleng maging costume ng “gf” sa gagawin nitong movie.

Nakakatuwa dahil ramdam mo pa rin ang sobrang pagiging “bf” nito sa magandang aktres na gusto nitong protektahan marahil sa mga posibleng mambastos o tingnan bilang “sex object” ang pagpapa-seksi nito.

But as he said, that is how Darna was na sa dami na nga nag-suot ng naturang costume ay ang pagiging “super Pinay” pa rin ang tiningnan ng marami.

Well, gaya ng marami ay super duper curious din kami sa kung ano nga ba ang magiging final look ni Darna ngayong nasa millenial age na siya.

sample-ad

Facebook Comments

Website Comments

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.