Bahala na ang publiko

sample-ad

Naloka naman ako nang panoorin ko ang Korean movie na “A Frozen Flower” dahil hindi ko ine-expect ang mga bold scene.

Naengganyo lang ako na bilhin ang DVD ng “A Frozen Flower” dahil may nagsabi sa akin na kasali sa cast ang aking favorite Korean actor na si Song Joong-ki.

True naman na napanood ko si Song Joong-ki sa “A Frozen Flower” pero sandali lang ang eksena niya.

Alam ko na maraming Pinoy ang nababaliw sa mga Korean movie at television series kaya may warning ako, siguraduhin n’yo lang na walang maseselan na eksena na mapapanood ng mga bagets dahil ikinaloka ko nga ang bold scenes sa “A Frozen Flower”.

******

ENTERTAINEMNT - Judy Ann (Instagram account)

Judy Ann (Instagram account)

Nagsalita na si Judy Ann Santos tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo.

Ang sey ni Juday, maayos ang paghihiwalay nila ni Alfie at wala itong violent reaction nang mag-usap sila noong nakaraang taon.

Iba naman ang version ni Alfie. Matagal na raw kumalas si Juday sa kanya kaya nagtataka siya dahil parang kahapon lang nang mangyari ang insidente.

May nagsabi sa akin na hindi na nagulat si Alfie sa pagbababu ni Juday dahil expected na niya ang mangyayari.

Na-feel daw ni Alfie na hindi na ito kailangan ni Juday dahil hindi siya naiimbitahan sa mga binyag at birthdays ng mga anak ng kanyang alaga.

Pero nag-dialogue si Alfie na hindi niya sisiraan si Juday dahil creation niya ito. Bahala na raw ang publiko na humusga at kung ano ang ginawa sa kanya ni Juday, tiyak na mararanasan din ng dating alaga niya.

Tumagal ng 32 years ang relasyon nina Alfie at Juday bilang manager at talent. Marami ang nanghihinayang sa nangyari pero ganoon talaga ang buhay dahil some good things never last.

******

Hindi lang ako ang nakapansin na malaki ang iginanda ni Honeylet Avanceña, ang love of his life ni President Rodrigo Duterte.

Nakita ko ang malaking improvement sa personality ni Mama Honeylet nang samahan niya ang mga misis ng Southeast Asian leaders sa tour ng National Museum.

Simpleng-simple lang ang outfit ni Mama Honeylet pero very classy ang hitsura niya. Si Mama Honeylet ang nag-asikaso sa mga asawa ng mga lider habang nagaganap ang 30th Association of Southeast Asian Nations Summit.

*****

ENTERTAINMENT - Lotlot (Facebook page)

Lotlot (Facebook page)

Hindi nabale-wala ang pagdalo ni Lotlot de Leon sa 50th Worldfest Houston International Film Festival dahil siya ang nanalo ng Best Supporting Actress award para sa performance niya sa “1st Sem”.

Tumanggap din ang pelikula ng Gold Remi Award at Special Jury Remi Award naman ang napanalunan ng “Area”, ang indie movie ni Ai-Ai delas Alas na mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Hindi na nakadalo si Ai-Ai sa nasabing film festival dahil busy siya sa promo ng “Our Mighty Yaya”, ang pelikula niya na ipalalabas sa mga sinehan sa May 10.

Ang Best Supporting Actress trophy mula sa 50th Worldfest Houston International Film Festival ang pangalawang international award ni Lotlot dahil noong nakaraang taon, pinarangalan siya sa All Lights India International Film Festival ng Sole Acting Citation para sa exceptional performance niya sa “1st Sem”.

Wondering naman ang mga nakapanood sa “1st Sem” dahil nominado si Lotlot sa Best Supporting Actress category ng 50th Worldfest Houston International Film Festival. Para sa kanila, pang-Best Actress ang role ni Lotlot dahil bukod sa ito ang puso ng pelikula, bidang-bida siya sa “1st Sem”.

 

sample-ad

Facebook Comments

Website Comments

  1. Donella Curpupoz

    Right here is the perfect webpage for anyone who hopes to understand this topic. You know a whole lot its almost tough to argue with you (not that I really will need laugh out loud). You definitely put a new spin on a topic which has been written about for many years. Excellent stuff, just great!

POST A COMMENT.

WordPress spam blocked by CleanTalk.